Friday, May 30, 2008

Igalang, Ngunit Huwag Tularan

What are we to do with corrupt elders? Or respected family members exposed to corrupt political practices due to a corrupt political system that has tainted and governed their lives since their were born or have joined this corrupt political system?

Scene 1

Elder 1: Kapatid, pakitulungan mo sa trabaho yung pamangkin mo. Kapag naikuha mo na siya ng trabaho, hindi ka na niya gagambalain sa trabaho at kunin mo na rin yung budega sa likod.

Elder 2: Sige, pag-iisipan ko.


Scene 2

Elder 2: Ipasok mo yung pinsan mo sa trabaho. Alam kong bawal ito pero ipasok mo na rin.

Related Government Official: Hindi ho naaayon sa batas ang ganito. Ano po ang sasabihin ng tao kung nalaman nilang ako ang nagpasok sa kanya?

Elder 2: Alalahanin mo, tumulong ako sa kandidatura mo, at hindi lamang sa pamamagitan ng pera.

Related Government Official: Ganito ba ang magkaroon ng utang na loob sa politika? Ang kapangyarihan talaga naman, sadyang napakamahal ang kabayaran.


Scene 3

Sa langit...

Elder 3: Ginamit ko ang lahat ng kakayahang ibinigay sa akin ng Diyos para ipagtanggol ang prisipyo ng katamaan at ipinaglaban ang nakakabuti sa lahat, hindi nang sa akin lamang, noong ako'y nabubuhay pa.

Subalit mukhang mahihirapan ang aking mga pinakamamahal sa pagtataguyod ng mga adhikaing aking ipinakita at itinuro sa kanila, ngayong ang ibang mga nakakatanda ay hindi tumanda sa pagiging tama hindi lamang sa salita kundi na rin sa gawa.

Ang Panginoong Diyos ang sanang manatili ninyong kataas-taasang patnugot sa lahat ng inyong desisyon at mga gawain. Alalahanin ninyo,

"Ang mabuting pangalan ay mas dakila pa sa anumang kayamanan."

- Proverbs 22:1 -

More to come.

No comments: